Accessing files through Google Drive

Malaking tulong kung may youth ka na pwedeng mag-assist sa'yo. Eto 'yung mga steps:

a) Install Google Drive sa Windows. Simple lang naman yun. Just follow instructions sa installation mula sa drive.google.com. Kung wala ka pang google account, kailangan mo munang mag-sign-up.

b) After ng installation, ibigay mo sa akin 'yung email address mo para i-link ko sa G12 Docs sa Google Drive.

c) Mag-sign-in ka sa Google Drive sa web. Kapag nakita mo yung shared files sa "Shared With Me"*, ibig sabihin, nakalampas ka na sa pinakamahirap na step! Congratulations!

d) Check yung checkbox ng G12 Docs, at click yung "Add to My Drive" button sa bandang taas. You will notice na gagawa ng file copy yung Google Drive sa computer mo. Ang tawag dito, synching process, at medyo matagal ito dahil sa dami ng files. Ang maganda dito, after na mag-synch ang files, anumang updates na gagawin ko sa files ko, automatic na mag-iiba ang nasa computer mo kapag connected sa internet. Husay, di ba!

Notes:
  • *Kung di mo makita ang Share With Me, baka nasa old look ka ng Google Drive. Ibahin mo 'yun sa Settings (rightmost button) to Upgrade To New Look.
  • Di updateable yung mga G12 Docs files sa Google Drive. Kung kailangan mong mag-update, gumawa ka ng file copy sa ibang folder sa computer mo, at 'yun ang i-update mo.