Pagkakaiba sa ibang G12 materials

Halos 60% different. Sa materials ng Pinoy GNet, malinawag ang training track para ang isang bagong disipulo ay maging CG Lider hanggang maging leader of leaders. Naroon pa rin ang Ladder of Success galing kay Pastor Cesar Castellanos, pero may ibang philosophy of ministry na angkop sa church na pang-masa. Kaya nga ang binibigay ditong materials ay updateable, para maiangkop mo rin sa iyong church.

Halimbawa, dahil ang EGR ay ginagamit namin para sa mga seekers, dinagdag ang "Understanding Sin" bilang pagpapaliwanag na lahat tayo ay makasalanan at kailangan ng pagsagip. Dahil galing sa mahirap ang karamihan sa church namin, idinagdag ang "Victory Over Wrong Self-Image". Kapansin-pansin sa mga nakaraang EGR delegates namin na wala silang masyadong problema sa sumpa. Kaya naiba ang isang topic at naging "Victory Over Negative Influence" kung saan andoon pa rin ang tungkol sa sumpa, pero nakadagdag ang mas malaking problema ng maling barkada, media, at emosyon.

Sa amin, medyo hirap ang pag-build ng 12 leaders bawat isang lider. Kaya't binabaan ang target na 12 na disipulo sa 6. Kaya ang battle cry sa amin ay "Fix Your Six".

Gumamit rin ng ibang terms na sa tingin namin ay mas maiintindihan ng mga tao sa amin. Pwede mo rin itong palitan. Narito ang mga sampol ng naibang terminology:
  • Cell Group ay naging C.A.R.E. Group, kaya alam agad ng lider na karamihan sa gawain dito ay caring o shepherding.
  • Consolidate ay naging Connect, dahil mas madaling maintindihan na ito ay tungkol sa pagkakaroon ng relasyon.
  • Disciple ay naging Train, dahil training talaga ito, classes. Ang pag-disciple ay ginagawa kasi magmula sa win hanggang forever at di lang sa ikatlong step.
  • Send ay naging Lead, para makuha agad ang motto namin na Every Believer is a Leader.

Sa School of Leaders, ganito ang approach:
  • SOL1 Set A - Building Your Foundation. Mukang tama na magturo ng basic foundation of belief, kaya halos parehas ito. Pero naidagdag dito ang tungkol sa pagpapamilya.
  • SOL1 Set B - Life Checkpoints. Ipinalit dito ang mga basic problems na madalas ikabagsak ng isang bagong believer, tulad ng maling barkada, pre-maritax sex, pagsuway sa otoridad, etc.
  • SOL2 Set A - Charting Your Vision. Nilagay dito ang basic understanding ng 4 na steps sa proseso ng G12 system.
  • SOL2 Set B - Growing Your Care Group. Pinakita dito kung paano magbuo ng isang Care Group at ano ang gagawin ng isang lider kung nabuo na.
  • SOL3 Set A - Building Your Buiders. Dito itinuro kung paano gawing lider ang mga Care Group members.
  • SOL3 Set B - Developing Your Influence. Dahil ang leadership ay primarily tungkol sa impluwensya, itinuro dito kung paano i-develop iyon para makatulong sa patuloy na pagdidisipulo ng isang lider.

Nais ng Pinoy GNet na ibigay ang source files para kung sakaling nais mo na ayusin ang training materials para angkop sa church o denomination mo, madali lang itong palitan. Kung nais mong mag-subscribe sa Pinoy GNet para makuha ang editable files, click here.