Great options for your G12 training materials!


Dear Pastor, you may have wanted something more from your G12 training materials. Heto na! Pinoy GNet shares you another option na baka swakto sa church discipleship needs ninyo. Consider these great features:

  • Taglish! Mostly Tagalog ito kaysa English. Kaya mas nauunawaan ng students natin, at mas nagagampanan nila. Sulit! 
  • Editable versions!  Ito ang pinakaimportanteng feature ng training materials ng Pinoy GNet. May editable version ito na gawa sa Microsoft Publisher. Kung may importanteng lesson na kailangan sa inyong church, o hindi fit sa theology ng church mo, pwede itong singitan o palitan ang ibang lesson. At least, you won't start from scratch anymore. (Kung gusto mong malaman kung bakit may alternatibong G12 training materials, click here.)
  • Printable versions! May printable version din na nasa booklet form na at ready to print. Ito ay hinanda sa Adobe Acrobat Reader format (PDF file). Kung ang church mo ang magpa-photocopy, lalabas na mas mura ito at mas malinaw dahil hawak mo ang original. 
  • Integrated field assignments that fit the lessons! Di ito puro head knowledge lang. May kasama itong practical assignments para sa students na gagawin nila as part of the class requirements. Halimbawa, kung ang lesson ay laying of hands, kailangang ipag-pray nila ang ilang seekers na gamit ito. Kung ang lesson ay evangelism, kailangang mag-share sila ng gospel sa ilang seekers. Syempre, gusto natin ang ang mabunga, di lang mabunganga.
  • May personal devotions at Bible readings! Sa buong PEPSOL, nakalatag ang Bible texts para sa personal devotions at Bible reading. Kapag natapos nila ang PEPSOL, halos natapos din nilang daanan ang buong Bible.
  • Class discussions! Sa loob ng class, may partner discussion para halughugin ang puso. Siyempre, ang class discussion ay  integrated din sa lesson.
  • Great sources! Gathered ang materials ng Pinoy GNet mula sa G12 practicioners (ICM, Bethany World Prayer Center), mahuhusay sa discipleship (Ptr. Rick Warrern, Ptr. Andy Stanley, Campus Crusade for Christ), G12 peer mentoring (under Ptr. Rafy Panlilio), at church growth experiences sa Praise Christian Fellowship.

Kung gusto mong makita ang samples, click here. Kung gusto mong malaman paano mag-subscribe sa services ng Pinoy GNet, click here.

Pagkakaiba sa ibang G12 materials

Halos 60% different. Sa materials ng Pinoy GNet, malinawag ang training track para ang isang bagong disipulo ay maging CG Lider hanggang maging leader of leaders. Naroon pa rin ang Ladder of Success galing kay Pastor Cesar Castellanos, pero may ibang philosophy of ministry na angkop sa church na pang-masa. Kaya nga ang binibigay ditong materials ay updateable, para maiangkop mo rin sa iyong church.

Halimbawa, dahil ang EGR ay ginagamit namin para sa mga seekers, dinagdag ang "Understanding Sin" bilang pagpapaliwanag na lahat tayo ay makasalanan at kailangan ng pagsagip. Dahil galing sa mahirap ang karamihan sa church namin, idinagdag ang "Victory Over Wrong Self-Image". Kapansin-pansin sa mga nakaraang EGR delegates namin na wala silang masyadong problema sa sumpa. Kaya naiba ang isang topic at naging "Victory Over Negative Influence" kung saan andoon pa rin ang tungkol sa sumpa, pero nakadagdag ang mas malaking problema ng maling barkada, media, at emosyon.

Sa amin, medyo hirap ang pag-build ng 12 leaders bawat isang lider. Kaya't binabaan ang target na 12 na disipulo sa 6. Kaya ang battle cry sa amin ay "Fix Your Six".

Gumamit rin ng ibang terms na sa tingin namin ay mas maiintindihan ng mga tao sa amin. Pwede mo rin itong palitan. Narito ang mga sampol ng naibang terminology:
  • Cell Group ay naging C.A.R.E. Group, kaya alam agad ng lider na karamihan sa gawain dito ay caring o shepherding.
  • Consolidate ay naging Connect, dahil mas madaling maintindihan na ito ay tungkol sa pagkakaroon ng relasyon.
  • Disciple ay naging Train, dahil training talaga ito, classes. Ang pag-disciple ay ginagawa kasi magmula sa win hanggang forever at di lang sa ikatlong step.
  • Send ay naging Lead, para makuha agad ang motto namin na Every Believer is a Leader.

Sa School of Leaders, ganito ang approach:
  • SOL1 Set A - Building Your Foundation. Mukang tama na magturo ng basic foundation of belief, kaya halos parehas ito. Pero naidagdag dito ang tungkol sa pagpapamilya.
  • SOL1 Set B - Life Checkpoints. Ipinalit dito ang mga basic problems na madalas ikabagsak ng isang bagong believer, tulad ng maling barkada, pre-maritax sex, pagsuway sa otoridad, etc.
  • SOL2 Set A - Charting Your Vision. Nilagay dito ang basic understanding ng 4 na steps sa proseso ng G12 system.
  • SOL2 Set B - Growing Your Care Group. Pinakita dito kung paano magbuo ng isang Care Group at ano ang gagawin ng isang lider kung nabuo na.
  • SOL3 Set A - Building Your Buiders. Dito itinuro kung paano gawing lider ang mga Care Group members.
  • SOL3 Set B - Developing Your Influence. Dahil ang leadership ay primarily tungkol sa impluwensya, itinuro dito kung paano i-develop iyon para makatulong sa patuloy na pagdidisipulo ng isang lider.

Nais ng Pinoy GNet na ibigay ang source files para kung sakaling nais mo na ayusin ang training materials para angkop sa church o denomination mo, madali lang itong palitan. Kung nais mong mag-subscribe sa Pinoy GNet para makuha ang editable files, click here.

Accessing files through Google Drive

Malaking tulong kung may youth ka na pwedeng mag-assist sa'yo. Eto 'yung mga steps:

a) Install Google Drive sa Windows. Simple lang naman yun. Just follow instructions sa installation mula sa drive.google.com. Kung wala ka pang google account, kailangan mo munang mag-sign-up.

b) After ng installation, ibigay mo sa akin 'yung email address mo para i-link ko sa G12 Docs sa Google Drive.

c) Mag-sign-in ka sa Google Drive sa web. Kapag nakita mo yung shared files sa "Shared With Me"*, ibig sabihin, nakalampas ka na sa pinakamahirap na step! Congratulations!

d) Check yung checkbox ng G12 Docs, at click yung "Add to My Drive" button sa bandang taas. You will notice na gagawa ng file copy yung Google Drive sa computer mo. Ang tawag dito, synching process, at medyo matagal ito dahil sa dami ng files. Ang maganda dito, after na mag-synch ang files, anumang updates na gagawin ko sa files ko, automatic na mag-iiba ang nasa computer mo kapag connected sa internet. Husay, di ba!

Notes:
  • *Kung di mo makita ang Share With Me, baka nasa old look ka ng Google Drive. Ibahin mo 'yun sa Settings (rightmost button) to Upgrade To New Look.
  • Di updateable yung mga G12 Docs files sa Google Drive. Kung kailangan mong mag-update, gumawa ka ng file copy sa ibang folder sa computer mo, at 'yun ang i-update mo.